advertisement
Noong 2020, kasagsagan ng pandemic, 26 na taong gulang po ako nang may masamang pangyayari na nangyari sa akin. Ginahasa po ako ng kapatid ng amo ng nanay ko. Binantaan po niya ako na ipa-“unalive” kapag nagsumbong ako. Nabuntis po ako at nanganak noong 2021. Ang alam po ng mga tao, marumi raw akong babae dahil walang ama ang anak ko.
Namatay po ang nanay ko dahil sa COVID, at sumunod na rin ang panganay naming kapatid. Halos lugmok na lugmok po kami noong panahon na iyon. Hanggang sa nagbago na rin ang ugali ng tatay ko at pinalayas niya ako kasama ang baby ko.
Find out what happens next in Lyndi's story on Chloe’s Inbox:

Chloe’s Inbox EP 147: A life marked by trauma, but can she still love again?
Dear DJ Chloe,
Itago n’yo po ako sa pangalang Lyndi. Taga-Mindanao po ako, sa bahagi ng Cotabato. Kaya po ako sumulat sa inyo para ibahagi ang karanasan na hindi ko kailanman makakalimutan. Anim po kaming magkakapatid, at pangatlo po ako. Dalawa lang kaming babae, at ang isa ay bunso. Ang tatay ko po ay magsasaka at nangangamuhan, at ang nanay ko naman ay kasambahay.
