advertisement
Nag-overtime ako. Nag-double shift. Ibinenta ko pa motor ko para may pang-review siya sa board exam. Kapag may kailangan siya sa kahit ano lalo sa pag aaral, ako ang unang nag-aabot. Hindi ko iyon tiningnan na sakripisyo. Para sa akin, pagmamahal iyon. Pangarap niya, pangarap ko rin.
Find out what happens next in Jimmy's story on Chloe’s Inbox:

Chloe’s Inbox EP 146: When the dream you helped build no longer includes you
Dear DJ Chloe,
Hindi ko po alam kung galit ba ako, nasasaktan, o napahiya. Nakilala ko siya noong pareho pa kaming nangangarap. Ako, tumigil sa pag-aaral para magtrabaho kasi nagkasakit ang tatay ko. Siya naman, gustong-gusto makatapos. Gusto niyang maging guro. Mataas ang pangarap niya …mas mataas kaysa sa kaya ng sitwasyon niya noon. Wala siyang pang-tuition. Minsan kulang pambayad sa projects. Minsan walang pamasahe papasok. Hindi ko pinilit. Hindi niya hiningi. Pero kusa kong ibinigay.
