advertisement
Find out what happens next in Jay's story on Chloe’s Inbox:

Chloe’s Inbox EP 136: Born first, burdened most
Dear DJ Chloe,
Panganay po ako. At sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses kong narinig ang mga katagang: “Kaya mo na ‘yan, ikaw ang panganay,” “Pagpasensyahan mo na sila, ikaw ang mas nakakaintindi,” at “Ikaw na muna mag-abono, ikaw naman ang may trabaho." Mula pagkabata, parang sinanay na ako na ako ang kakampi, ako ang tagasalo, ako ang tagapagligtas. Lagi akong pinapaintindi. Laging ako ang bumibigay. Laging ako ang “mas may alam.” And for years, I carried that with pride. Akala ko, that’s what being a good panganay meant.
