CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Move forward one step at a time
January 26, 2020
-
Dear DJ Chloe,
Thank you for always being there to chat with. Marami sigurong hindi nakakaalam na hindi ka lang magaling mag-advice, marami ding matutunan sa’yo dahil talagang nakikipagchat ka sa mga tulad namin na may problema. Naglalaan ka ng oras kausapin lang kami.
I gathered all my strength to tell you that finally, nagawa ko nang iwanan ang taong ginawang libangan ang hiyain ako at pagbuhatan ng kamay. I have been married for 12 years, and I thought when I got married, umpisa na ng fairy tale ng buhay ko. Kasalanan ko din naman, may mga senyales na noon na may tendency siyang manakit dahil grabe ang temper niya. But thinking he will change, nagpakasal pa rin ako. Apat ang anak namin, naiwan ko ‘yung dalawang lalaki sa kanya, dinala ko ang dalawang babae. DJ Chloe, makukuha ko ba ‘yung dalawang anak ko pa? He is threatening me kaya natatakot akong gumawa ng aksyon tulad ng puntahan ang dalawa ko pang anak at kunin dahil baka mapano ako. Sa ngayon, naghahanap ako ng trabaho, matagal akong hindi nakapagtrabaho kaya ‘di ko alam kung matatanggap agad ako. Umuwi muna ako sa mga magulang ko pero alam kong kailangan kong umalis din sa’min dahil hindi p’wedeng maistorbo ko rin ang buhay ng mga magulang ko. Please tell me what to do, minsan nanghihina ako, natatakot ako na hindi ko kayaning buhayin ang mga anak ko.
Salamat,
Lyn
Hi Lyn,
Live one day at a time. Battle it out one day at a time. You’ve already done what you were supposed to do a long time ago, it will get better eventually! Lahat ng pagsisimula mahirap, but with your new found freedom, you will learn that nothing is more freeing and satisfying than living your life not anchored on any man but God. If you intend to get the other two, consult a lawyer, sana may mga medico-legal ka para may pruweba na nananakit siya. If the kids are below seven (7) sa’yo sila mapupunta talaga. One day at a time, Lyn. Marami tayong mga institusyon na p’wedeng tumulong sa’yo para makuha mo ang mga anak mo at para pagbawalan siya (asawa mo) na lumapit sa’yo. For now, breathe first and enjoy life without violence. Marami nang nauna sa’yo. Kinaya nila, kakayanin mo rin.
-
COMMENTS