She'll Get Through It - 96.3 Easy Rock
Listen to 96.3 Easy Rock
Listen to 96.3 Easy Rock

CHLOE'S INBOX

She’ll Get Through It

April 20th, 2017

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SHE'LL-MAKE-IT-THROUGH

    Hi, DJ Chloe!

    Sana po mabasa mo ito at sana po mabigyan mo rin ako ng advice. About sa short story ng life ko being single mom. Yes, I am a single mom at hindi ko kinakahiya ‘yun. By the way, I’m 30 years of age, I have a son. Isa lang po siya, ayokong sana sabihin na bunga siya ng aking katangahan dahil nagkaboyfriend po ako ng taga Mindanao for almost three months lang po at sa Facebook ko lang din nakilala. ‘Di ko akalaing mabubuntis ako sa kanya at one time lang may nangyari po. Kaya after nun tinigil ko lahat ng communication ko sa kanya.

    Pero ‘di ko pa po alam na buntis na pala ako sa kanya. Then I tried to communicate to him again at sinabi na buntis ako sa kanya but ‘di na siya naniniwala. Nablock ako sa Facebook. Tinry kong sabihin sa kapatid niya pero wala rin nangyari. Now mag one year na baby ko at syempre someday magtatanong ‘yun. Nasa Japan now ‘yung tatay niya. My question is may karapatan pa rin ba akong ipaglaban ang baby ko kahit balang araw may pamilya na siya? O hahayaan ko na lang? Thank you so much, DJ Chloe. I’m your avid listener. Thank you, Easy Rock.

    Miss J

    Miss J,

    Napakaexpensive ng naging katangahan mo. Lifetime ang naging kapalit.

    But if you look at the bright side of it, at least, you now have a son and this son of yours should now give you the direction you need in your life. And this time, I hope you will be more than cautious dahil ang bawat katangahan may kaakibat na kabayaran.

    Every wrong decision, every wrong turn, anak mo ang tatamaan.

    Alam mo Miss J, ‘yun ngang may mga kasulatan na, kasal sa ama ng anak, acknowledged sa birth certificate ang bata, nagagwang talikuran ang bata, how much more ang anak mo?

    Pwede mong habulin, why not, if you have the resources. File a case, I know of someone nakabuntis, tumakas, ipinakulong ng babae, kulong ha, nagbayad siya ng bail.

    But these things, takes time, money and a lot of effort if you’re willing to go through it. Go ahead…

    Or maybe you can channel all your efforts in raising your son alone.

    Mahirap nga lang but it’s very doable.

    Your son should inspire you to be a better person, Miss J.

    Para sa akin, it’s more than enough na sinabi mo sa kanya at ipinaalam mo na anak niya ang bata. Kung ayaw niyang tanggapin wala kang magagawa. Tsaka mo na isipin ano isasagot sa anak mo in case magtanong siya pagdating ng araw. I’m sure by that time alam mo na ano isasagot mo sa kanya.

    Sa ngayon, ang tanungin mo muna sarili mo ano ba dapat mo ng ginagawa para mabuhay at mapalaki ng maayos ang anak mo.

  • COMMENTS

FOLLOW US ON INSTAGRAM