Settle this problem once and for all - 96.3 Easy Rock
Listen to 96.3 Easy Rock
Listen to 96.3 Easy Rock

CHLOE'S INBOX

Settle this problem once and for all

April 23rd, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SETTLE-THE-PROBLEM-ONCE-AND-FOR-ALL

    Hi DJ Chloe! I am 10 years married, happy, and contented. Masaya kami ng asawa ko kahit wala kaming anak. Last year nabuntis ako pero sad to say nawala din at ‘di pa daw ako pwede magbuntis hanggang three (3) years. Nasa early 30s na ako, ahead lang ng two (2) years si hubby sa akin. Alam ko naman na mahal ako ni hubby ko. Smooth naman naging pagsasama nmin last 10 years. Pero nito lang napapansin ko si hubby medyo napapalapit dun sa girl, kakilala lang din naming, dalaga at nasa early 20s lang din. Kapag pumupunta si ate girl sa nanay niya (kapit-bahay namin), iisang compound lang kasi kami, inihahatid siya ni hubby pauwi kasi mainit daw malayo pa at kung sa gabi naman masama daw ang panahon kaya inihahatid niya. Okay lang naman po sa akin kasi ako minsan nakikisabay din naman kapag wala si hubby na susundo sa akin. Nakakainis lang po masyado siyang concernd dun sa girl at lagi niyang bukambibig pangalan ni girl na kinaiinisan ko talaga naiinsulto talaga ako. Tinanong ko siya kung may gusto siya dun sa girl sabi nya oo meron daw pero wala naman daw silang ginagawang masama. Sabi ko, oo sa ngayon wala pa. Sabi niya ‘di naman daw siya papatulan ni girl kasi may asawa na daw siya. Sabi ko sa kanya pano kung pinatulan ka? ‘Di siya umimik. Minsan bigla na lang akong nagagalit at nawawalan ng gana sa kanya. Nu’ng time na hinahalikan ako ng asawa ko tinanong ko siya kapag hinahalikan mo ba ako ba talaga ang nasa isip mo o si girl? Medyo nabigla siya sa tanong ko. Sabi niya baliw na daw ako. Sabay tumwa siya. Sa facial expression niya pa lang alam kong oo ang sgot. May time pa na tinanong niya ako kung naglagas daw ba buhok ko, medyo ntuwa ako kc concerd siya sa akin. ‘Yun pala si ate girl pala naglalagas ang buhok parang naghahanap yata gamot o lunas si hubby nasa akin pa talaga tinanong. Nu’ng una ‘di naman ako galit kay girl ‘di naman niya kasalanan kung magkagusto sa kanya si hubby. Si hubby dapat umiwas kasi siya ang may asawa pero dahil nga lagi silang magkasama eh damay-damay na. Pano kaya ‘to DJ Chloe? Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

    Hi Ma’am!

    Bigwasan mo kaya asawa mo nang matauhan?

    Hinayaan mo rin kasi eh, tapos ngayon ikaw ang napipikon. Once and for all tell him you don’t find it funny or cute. What needs saying, needs saying. Tapos.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

FOLLOW US ON INSTAGRAM

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.