I am moving forward but I still have questions in mind - 96.3 Easy Rock
Listen to 96.3 Easy Rock
Listen to 96.3 Easy Rock

CHLOE'S INBOX

I am moving forward but I still have questions in mind

January 7th, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---I-AM-MOVING-FORWARD-BUT-I-STILL-HAVE-QUESTIONS-IN-MIND

    Hello DJ Chloe,

    Can you give me your point of view regarding sa ex ko na ‘di ko maintindihan. Anyways, female here and at my early 30s. About him, we’ve been together for less than five (5) years pero ‘di kami naglive-in. Though before nagyaya na siya magpakasal pero ‘di natuloy. Mababae kasi siya kaya away-bati kami. Hanggang nitong huli, tinuldukan na talaga. Pareho naman naming ginusto ang nangyari. Though in me, gumuho mundo ko. Head over heart. After that, siguro, after more than a year trying to move forward to what had happened nagboyfriend na ‘ko ng iba. Eh nu’ng naghiwalay kami blinock niya ‘ko sa Facebook. Nu’ng nagkaron na ko ng bago in-unblock niya ‘ko nu’ng prinaimary ko photo of the new guy. Then puro stalk siya and kapatid niya sa profile ko nun. Before kasi in order to move forward blinock ko lahat family niya sa Facebook. Kinokontak kasi nila ako eh–na ayusin ko daw. So naisip ko how could I move forward kung ganire? Then early this year, ininvite ako ng brother niya sa kanila kasi birthday ng inaanak ko which is pamangkin ng ex ko. Wala naman ng problem sa’kin so ‘di ako nagdalawang-isip na umo-o sa invitation. But then nagulat ako sa message na finorward ng kumare ko sa’kin. Galit na galit ex ko telling bakit daw ako pupunta, eh papakilala niya bago niyang girlfriend. Baka daw kung anong isipin nun. Minsan na nga lang daw siyang magfavor ‘di pa mapagbigyan. So ‘di na lang daw sila pupunta. Galit na galit siya sa message niya na ‘di ko alam kung san niya hinuhugot. Na I thought bago ko umo-o sa invitation nag-isip muna din ako na okay lang naman siguro if magkita kami kasi pareho na kaming nagkaron ng bagong pag-ibig. So I guess we’re both moving forward. Kaya nga nagulat ako sa response niya. Then nu’ng party kwento sa’kin ng kumare ko wala naman daw dinala dun ‘yung bayaw niya na babae. Tahimik lang daw sa isang sulok the whole time. After nun, birthday ng kumare ko. ‘Di daw ako pumunta nu’ng birthday ng inaanak ko so dapat sa birthday niya eh nandun ako. Okay lang naman. So on her birthday, masaya. Nu’ng nakita ako ng family ng ex ko I saw the happiness on their faces. Kita ko miss nila ‘ko. Malapit lang bahay ng ex ko sa pinagdausan but I didn’t expect na pupunta siya remembering his message. Pero nung pinuntahan siya ng kapatid niya na uminom, knowing I am there, ‘di siya nag-atubiling sumama. Eh kanina pa ‘ko kumakanta so I know alam niyang nandun ako. And when I saw him outside, I saw that shining shimmering smile on his face na ikinagulat ko. May ngiti sa mga mata niya unlike ng itsura niya I guess sa message niya sa kapatid niya nu’ng nalaman niya na pupunta ako sa birthday ng pamangkin niya. The whole time na kumakanta ako na nandun na siya, balik siya ng balik ng tingin sa’kin na nakangiti. ‘Yung ngiting kasama pati mata na ikinagugulat ko. Knowing him, alam ko na ‘yun pero may girlfriend siya at the moment so para sa’n ‘yun? Then ‘yung baso ko ng alak kinuha niya without asking for my permission. Pinapainom kasi ako ng bayaw. Eh sabi ko may pasok pa kinabukasan at uuwi pa ko so ‘di pwedeng malasing. After kong sabihin ‘yun kinuha niya agad ‘yung baso ko at tinungga at ‘di niya na binalik. ‘Yun na ininuman niya. ‘Di kami nag-usap the whole night. Lumilingon-lingon lang siya sa’kin. Hanggang sa nu’ng nagkakantahan kami ng hipag ng ex ko puro broken-hearted songs kinakanta niya na comment ko, bakit puro broken-hearted songs ang kinakanta niya eh birthday ‘yun dapat masaya. ‘Yung ganun, sagot niya, “eh ‘yun ang magandang kantahin eh.” Ngumiti na lang ako at ang aking naging tugon, “buti na lang ako tapos na sa ganyan.” Na totoo naman. Alam nila kung pano gumuho mundo ko nu’ng nagbreak kami ng bayaw niya. Kaya nu’ng sinambit ko ‘yun with a wide smile on my face. Na after kong bitawan ‘yun tinungga ng ex ko ‘yung laman ng baso niya, tayo, then biglang alis. Nakita ko sa itsura niya na dismayado sa narinig. Isip ko, anong meron? Pero hinayaan ko na lang. After nun siguro weeks or months after, minsan pag wala akong magawa ino-open ko profile niya sa Facebook. Though ‘di na kami friends. One time, nagulat ako nu’ng nag-appear ulit ‘yung mga post ko sa wall ko at wall niya na nakatag kaming pareho. Kahit mga pictures ko nasa profile niya ulit. Eh knowing the fact na may girlfriend na siyang bago so automatic dapat erase na ‘yun o dapat wala na. Kaya naconfuse ako. Then siguro nakikita niya na iniistalk ko siya kaya ‘yun nagdeactivate again. I’m confused. Bakit? Hindi naman ako nanggugulo. Wala akong ginagawang masama. Ba’t need magdeactivate? May mga tanong lang sa isip ko. Thank you for the response if ever.

    Late Bloomer

    Dear Late Bloomer,

    You know, 2019 na, ‘di ba? So kailangan ‘wag na nating dalhin pa ‘yung mga basura last year sa bagong taon. I can sense na kahit paulit-ulit mong sinasabi na nakamove forward ka na it seems hindi pa, kasi may mga “tanong ka pa na gusto mong malaman ang sagot.” Now kung okay ka na talaga, it won’t bother you anymore ano pa man ang ginagawa o sinasab ng ex mo. Since it bothers you eh, mukhang medyo interesado ka pa din, hence you still open his Facebook account. It’s easy to know the answers girl. ASK.

    At eto namang ex mo kung gusto ka pa niyan talaga, siya dapat ang magsabi sa’yo o gumawa ng paraan. Kaya lang mukhang mapride eh, ang daming padrino. For all you know siya nagpaimbita sa’yo. Tinatantya niyan kung pupunta ka sa birthday ng apo ng kamag-anak ng kapit-bahay ng kapatid niya or hindi. Now, kung talagang ayaw mo na at okay ka na, if I were you next time mag-imbita, padala ka na lang ng regalo. Ang daming paraan at rason para hindi dumalo lalo sa pamilya ng ex. ‘Wag ako, girl…’wag ako. Ang daming tanong sa isip mo, alam mo ang sagot. At alam mo rin ano magiging kwento ulit kapag, nagkabalikan kayo. Babaero ba kamo? Isip ulit ng 100 times. Nakalabas na, babalik pa ulit? Tanga-tangahan pa rin tayo? 2019 na, teh.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

FOLLOW US ON INSTAGRAM

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.